DEAR DIARY.

“Walang kwentang mga kwento ng buhay ko. Basahin nyo, kung gusto nyo.”

BAGONG PAG-ASA.

LOL. Happy Anniv sa aking blog! Hehe. Ako po ay lumipat na ng tahanan. Bahala nalang kayong maghanap sa google dahil hindi ko sasabihin kung saan ang aking bagong tahanan sa  blogosphere. Last update ko na po ito dito. Babush!

Bookmark and Share

BLAGAG!

BLAGAG! Yan ang tunog na umaalingawngaw sa tenga’t isipan ko kaninang bumabyahe ako papunta sa praktis ng banda. Tuliro ako at para akong nasa ferris wheel na hindi humihinto at napakabilis ng takbo. Parang slow motion lahat ng nangyayare sa paligid ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga pangyayareng napagdugtong-dugtong ko. Isang malaking salita ang naka kapital at bold sa isip ko, “TANGA!“. Oo, isa akong malaking tanga, sabi ng isip ko. Pero hindi ko alam kung sumasang-ayon ang puso ko. Kung iku-kwento ko sa inyo ang buhay ko nitong mga nakaraang bwan, maaawa lang kayo sakin kaya’t hwag na.

Parang sasabog ang dibdib ko habang nakasakay ako sa bus hanggang makarating ako sa train. Gusto kong mag-wala kaso baka ipadampot ako ng mga tao dun sa mga pulis na nasa paligid at mapagkamalan pakong siraulo. Gusto kong magpasalamat sa isang taong naiyakan ko at napagbuhusan ko ng sama ng loob, si Ate Atina, isang napakabait na tao at tinuturing kong ATE. Wala nakong mahanap sa kontaks ko ng taong matatawagan ko nung mga oras na yon. Balik sa kwento .. para akong naglalakad sa kawalan. Parang ang bibigat ng lakad ko. “ASSHOLE!” yan ang isa pang salitang paulit-ulit na nagfa-flash sa utak ko.

Ng isipin ko lahat ng mga bagay na nagawa kong mali, ang sabi nalang ng isip ko na binigyang daan naman ng puso ko ay: “TAMA NA. MAGPAHINGA KA NAMAN. MASYADO KANG NAPAGOD SA MAHABANG PANAHONG TINAHAK MO.” Kaya kayong mga hindi pa nakakaramdam ng ganto, makinig kayo sa mga magulang nyo at sa salita ng Dyos para ipagpala kayo. Salamat sa pagtapon ng pansin sa blog ko. Ingat :)

Bookmark and Share